Nagdrama.

by raince

Okay. Magdadrama ako. Tang ina. Nakakainis lang kase eh.

I AM JUST SO TIRED OF BEING THE SECOND OPTION HERE.

No. No. Wag. Tang ina nyo po. Wag mo kong gawing pang-salo o kung anu man. Yung kakausapin mo lang ako kase wala ka ng choice. Tas kapag may nakita o nakilala kang mas trip mo, di mo nako papansinin. Masakit. Ano ba? Manhid ka bang, hayup ka?

Pakiramdam ko kase di moko pinapahalagahan. Lagi ka kayang nasa utak ko. Pambihira permanent address mo na ata to kase di ka maalis-alis kahit anong subukan kong gawin. Hindi ko rin alam. Na kung bakit sa simpleng gagawin ko, maaalala agad kita. Na sa lahat ng gagawin ko, iniisip kita. Putek. Di ako makapag-concentrate. Ginugulo mo ako masyado.

At nasasaktan ako kapag wala ka ng pakelam. Nasasaktan ako kapag nakikita kong nandyan ka pero wala ka. Nasasaktan ako kapag binabalewala mo ko. Kapag di mo ko pinapansin.

Naiirita ako sa sarili ko. Bakit ba kase ako masyadong nagpapa-apekto sayo? Sino ka ba? ANO KA BA?

I really need to shut up. Baka kung ano pang masabi ko.

Ang tanga ko. Nakakainis.

(TAGALOG PARA INTENSE)

Advertisements